What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Viy Cortez ng Team Payaman sa YouTube, naagasan/nakunan ng anak kay Cong

 

Tiyak na nakikipagluksa ang laksa-laksa o milyones na mga manonood ng vlog sa YouTube ng Team Payaman sa pagkakaagas ng anim na buwang sanggol ni Viy Cortez sa kagandahang-loob ng kanyang ka-partner sa buhay at sa vlog niya na si Cong TV, Lincoln Velazquez sa tunay na buhay.

Sa isang madamdaming pagbubunyag sa kanyang vlog, sinabi ni Viy na noon lamang ika-12 ng Disyembre, 2020 ay nalaman nila ni Cong na siya ay nagdadalantao na ikinagalak siympre ng dalawa.

Napag-alaman nila na anim na buwan ang dinadala ni Cortez sa kanyang sinapupunan.

Pero pagkatapos ng anim na araw ay sumama ang pakiramdam ni Viy. “Dinugo ako,” anya kaya dinala agad siya sa Emergency Room (ER) ng isang ospital na hindi niya pinangalanan. “Hindi naman marami ‘yong dugo,” paglilinaw ni Cortez. Kaya sinabi niyang umuwi na sila ni Cong ng kanilang bahay.

Gayunman, sa opisyal na pahayag ng doktor ay nakunan nga si Viy kaya labis nila itong ikinalungkot ni Cong.

Hindi mapigilan ni Cortez na mangilid ang kanyang mga luha habang nagsasalaysay sa pagkawala ng kanilang magiging anak.

Hindi niya anya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman pero masakit para sa kanya at kay Cong ang nangyari.

“Malungkot si Cong,” sabi ni Viy pero pinaliligaya nila ang bawat isa sa ganitong trahedya.“Nawala man si Kidlat,” taguri ni Viy sa naagas na sanggol na sa pagkakalarawan niya ay wala pa hugis-tao, “may darating din na Kidlat number sa tamang panahon.”

Samantala, itinanggi ni Viy na siya ay naagasan nang dahil sa pag-inom ng glutalipo. “Nangayayat talaga ako noon dahil sa glutalipo pero itinigil ko na,” wika ni Cortez. Marami lang anya siyang stress sa pagbubukas ng napakarami niyang negosyo kabilang ang Teatalk kaya marahil nakaapekto sa kanyang pagbubuntis.        

Share this article