What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Unang anibersaryo ng kasal nina Diane Medina at Rodjun Cruz, inalala ng mga ninang

Pagkatapos ng isang maringal, marangal at banal na kasalan noong ganito ring mga sandali, at pagkatapos na magsilang ang esposa ng kanilang unang anak na lalaki, ipinagdiwang ng TV host at aktres na si Diane Medina—Maria Patricia Medina sa tunay na buhay—at ng aktor at musikerong si Rodjun Cruz, RJ Cruz Ilustre sa isa pa niyang tunay pangalan, ipinahdiriwang pa rin ng dalawa ang kanilang unang anibersaryo ng kasal.

Ika-21 ng Disyembre, 2019 nagtali ng kanilang mga puso sina Diane at Rodjun sa piling ng kani-kanilang pamilya.

“Nakakatuwa ang mga Medina at Cruz at Ilustre family, suportado talaga nila ang mga bata. Noong bagong kasal pa sina Diane at RJ, naku, inaalam pa ni Melody Cruz kung ano ang lagay nila sa bagong tahanan ng mag-asawa,” pahayag ni Zeny Marcelo-Poe, ang common-law-wife ng yumaong si Conrad Poe, kapatid sa ina ni Fernando Poe, Jr.

Kaibigang matalik ng mga Cruz-Ilustre si Zeny kaya hindi siya nawala sa araw ng pag-iisang-dibdib nina Medina at Cruz. Isang mahalaga ring sponsor si Marcelo-Poe sa paglakad sa harap ng altar nina Diane at RJ.

“Pero si Senadora Grace Poe, major sponsor sa kasal. Idol kasi nina Diane at RJ si Grace.

“Ngayon ay lalo pang tumitindi ang pagmamahalan nina Medina at Cruz-Ilustre. Ang baby nila ang nagbubuklod talaga sa kanila,” kuwento ni Zeny na lagi ring kausap sina Diane at Rodjun.

Mag-iisang taon na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III. “Naku, laruan sa bahay ‘yong bata. Cute siya,” pahayag ni Marcelo-Poe.

Patuloy ang pagtatrabaho ni Diane bilang talent ng People’s Television (PTV) Channel 4 at pag-aartista sa iba’t ibang produksyon samantalang nasa GMA Network naman nakatali si Rodjun.

Share this article