What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Romansa ni Ara Mina sa isang government official, maselan pa rin

 

Bagamat aminado na si Ara Mina na nakikipagsayaw na siya sa saliw ng isang romantikong tugtugin kay Dave Almarinez, ang dating bokal sa Lalawigan ng Laguna at ngayon ay Undersecretary ng kontrobersyal na Philippine International Trading Corporation o PITC, mukhang maselan pa rin sa panig ng magsing-irog ang kanilang pampublikong relasyon.

Ang pinakahuling pahayag sa madla ni Ara ay ang pag-amin na siya nga ay nakikipag-date kay Dave pero pagkatapos nito ay wala nang narinig o nakita na mga ulat kaugnay sa kanilang ugnayang personal maliban sa mga panakaw na kuha na sila ay magkasama.

Kahit na magkaulayaw ang dalawa sa isang pampublikong okasyon tulad ng Pailaw sa San Pedro City, Laguna noong isang taon, parang walang nakakuha ng eksklusibong larawan o dokumento na sila ay magkasama. Gayunman, may larawan na magkasama ang dalawa pero may iba pang taong nasa frame na katabi nila. Mas mahihinuha na ito ay pangkalahatang imahen at hindi pagpapakita ng eksklusibong romansa ng magkasintahan kundi maaaring ma-interpret na walang “malisya” ng “pag-iibigan” o walang opisyal pang pag-amin mula sa mga kasangkot sa isyu. 

Senyales nga ba ito na mahusay magdala ng pribadong relasyon ang dalawa upang makaiwas sa mga maling akusasyon o haka-haka na makakasira sa kanilang pagsasama at sa kani-kanilang propesyon lalo na at kapwa sila mga public figures na kailangang laging nagsisilbi sa interest ng publiko at ng kanilang mga sarili ang ipinapamarali ng mga pampublikong paghahayag ng kanilang mga persona?

Kahit sa Instagram nila ay walang lumalabas na magkasama ang dalawa sa litrato kundi ang kani-kanila lang na mga gawaing pampahusay ng kanilang mga imahen sa publiko.

Magaling sumakay sa kultura at rikotitos at gawa’t gawi ng mga Pinoy ang magsing-irog dahil babae nga si Mina at ang tradisyon ng pagkababae upang maging kagalang-galang sa pananaw ng pangkalahatang publiko ay ang pag-iingat sa kanyang bawat kilos. Kailangang manatiling ang isang babae ay may anino ni Maria Clara kahit na naghubad pa noon si Ara. Ang paghuhubad sa pelikula ay bahagi ng komersyo ng sining at hindi paglaladlad ng personal na isip at puso ng isang aktres.

Si Dave naman ay isang public servant at bagamat makakatulong sa kanya ang pagiging kontrobersyal at pinag-uusapan sa larangan ng masasabaw na kuwento tungkol sa kanyang pribadong buhay, makakasira ‘yon sa kanyang pagiging empleyado ng gobyernong inaasahang magsilbi taumbayan kung maglulumunoy ang kanyang personalidad sa “tsismis” o intriga dahil baka sabihin ng taumbayan na inuuna pa ang kapakanang pampersonal na sa paningin ng mamamayan ay hindi nakakatulong sa kanila pero sa katotohanan, nakakapagbigay ng inspirasyon ang pag-ibig sa paglilingkod sa kapwa. Pero matagal itong matindihan ng taumbayan unless na magpakasal na sina Ara at Dave at opisyal nang unang ginang ang aktres sa pulitiko.         

Photo Credits:

1. Ara Mina (Photo Credit: Ara Mina's Instagram)

2. Dave Almarinez (Photo Credit: Dave Almarinez's Instagram)  

Share this article