What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Richard Quan, sumabak na rin sa father roles

First time naming napanood si Richard Quan na gumanap sa papel ng isang Tatay. Tila yata nanibago kami nang mapanood namin siya na Tatay na. Dati-rati kasi, hindi tumatanggap si Richard sa mga Tatay na papel, kaya naman masuwerte ang ABS-CBN Channel 2 na nasa Zoe TV na ngayon dahil napapayag nila si Richard na gumanap sa papel ng isang Tatay for the first time. Sa bagong TV teleserye na Bagong Umaga, ginagampanan ni Ricahrd ang isang mapusok na ama ni Tony Labrusca sa teleseryeng iyon.

 

 

"I have lots of confrontation scenes with Tony Labrusca, na gunaganap bilang anak ko sa TV teleseryeng Bagong Umaga," kuwento ni Richard. "Medyo intense ang role, and it requires a lot of concentration, passion and angst. Bale kasi may conflict kaming mag-ama sa istorya, medyo galit sa akin ang anak ko dahil istriktong ama ako. Maski ako nga, nanibago sa bagong papel ko na ito. Hindi ko na-imagine na aabot na ako sa tatay roles. How time flies."

 

Nagampanan na ni Richard ang halos lahat ng klase ng roles sa pelikula at telebisyon. Nariyang maging assassin siya, nariyang maging mentally-retarded, pinaslang na guro, magsasaka, rebelde, pari, playboy, pulis, sundalo at iba pa. As a serious actor, naging very wide talaga ang range and horizons ni Richard.

 

 

This time around, hindi ba siya natatakot na baka biglang ma-limit ang wide horizons ng pagiging aktor niya ngayong tumatanggap na siya sa papel ng isang tatay?

 

"You see, it's also an experiment on my part," sagot ni Richard. "Pag-aaralan ko at pagbubusisiin talaga kung dapat na ngang tumanggap na ako nang tumanggap ng father roles. Alam ko kasing masusundan pa yan. Once na tumanggap ka na minsan sa papel ng isang tatay, masusundan iyan. Kaya handa na ako. We all mature, we all move into different directions, we all grow. You see, change is the only constant thing in this world."

 

 

Nitong global pandemic season dahil sa Covid-19 virus, isa si Richard sa maituturing na modern-day heroes.  Talagang personal siyang nag-abot ng tulong sa mga biktima ng pandemic. Siya mismo ang personal na nag-distribute at nagbuhat ng relief goods sa pandemic-affected areas ng bansa. Isang napakadakilang adbokasiya iyan sa parte ni Richard. At hindi rin doon natatapos iyon. Last Ulysses Typhoon, muli na namang tumulong sa mga biktima si Richard.

 

"I just hope, last na iyong Ulysses typhoon sa taong ito. Sobrang daming kapahamakan ang nangyari sa taong 2020. Pero heto pa rin tayong mga Pilipino, lumalaban pa rin. Harapin nating lahat ang mga pagbabagong ito. Sa 2021, magtanim tayo ng mga panibagong pag-asa," pagtatapos ni Richard

 

Korek ka diyan, Richard.

Share this article