What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Rebyu sa bagong talk show ni Jobert Sucaldito na "The Bash"

Sa totoo lang, nung mapanood namin sa FB Page ni Maine Musni Nieto ang bagong talk show na The Bash, talagang nalibang kami at na-engross ng todo-todo sa sa dami ng mga nakakakiliting mga gossip items sa show na iyon na tinalakay mismo ng host na si Jobert Sucaldito at ng co-host niya sa programa na si Maine Musni Nieto. Kasi naman, hindi mapanira ang mga tsismis doon. Ang mga komentong sinasabi ni Mr. Sucaldito sa bawat gossip item na tinatalakay nila ni Maine ay pawang makabuluhan, debatable, intelligent and smart. Agree na agree kami sa bawat sinasabi ni Mr. Sucaldito, or let's say, sa bawat opinyon niya ukol sa isang tsismis o isang artista, never namang destructive ang mga opinyon niya.

Jobert Sucaldito and Maine Musni Nieto in "The Bash"

Sa napanood naming episode, santambak ang mga balita nina Jobert. Una yung ukol sa pagkamatay ng ICON na singer na si April Boy Regino (R.I.P.), ang pagkakasali ng pelikulang Mindanao ni direk Brillante Mendoza sa Oscar Awards, ang libro ukol sa buhay ni Jake Zyrus (dating si Charice Pempengco), mga tidbits sa pelikulang pinoprodyus ni Jobert - ang Anak ng Macho Dancer, at iba pa. Lahat ng mga balita nila ay magaganda, bago at trending talaga.

 

 

Bilib din kami sa kemistri ng tambalang Jobert at Maine as hosts, kasi hindi lang basta “oo” ng “oo” si Maine sa mga sinasabi ni Jobert, mas maganda yung medyo nagtatalo pa talaga sila at medyo nagkakaiba ng opinyon. Sa ganu'ng bagay, mas may excitement sa pandinig ng viewers, mas may "angst", ika nga. Si Maine ay hindi lang basta "tsu-tsu" girl ni Jobert, may sarili siyang identity as a co-host, samantalang si Jobert naman, cool na cool lang at relaks na relaks habang nagho-host. Kapang-kapa na niya ang pagiging isang effective na talk show host. Bravo, Jobert!!!

 

 

Idagdag pa namin, bukod sa pagiging magaling na hosts nina Jobert at Maine, nagustuhan din namin ang production design o set design ng programa. Hindi siya typical na parang nasa bahay ka lang, kasi ang tendency nun, aantukin ka sa panonood kasi ang feeling mo, nasa bahay ka lang. Mas mainam nga yung setting na parang nasa isang grand table ka at nakikipag-tsismisan sa isang kumare mo.

 

For sure, dadami ng husto ang viewers ng The Bash talk show na ito ni Jobert sa YouTube. Pagdating kasi sa mga intriga at tsismis sa showbiz, nangunguna talaga si Jobert diyan. Kaya keep up the good work, Jobert and Maine! BRAVO!

Share this article