What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Ralston Jover, waging Best Director sa Poland

 

Sinabi ng premyadong direktor sa pelikula na si Ralston Jover na nagising siyang kaninang umaga na kumikislap ang kanyang mga mata. Ito ay dahil sa nang basahin niya ang website ng East Europe Film Festival sa Warsaw, Poland, idineklara nitong siya ang nagwaging Best Director para sa pelikulang “Latay (Battered Husband)” mula sa BG Productions International.

“Ito ang pinakahuli sa ‘Latay.’ Salamat sa jury sa pagpapanalo sa akin. Salamat din sa prodyuser ko na si Ma’am Baby Go,” pahayag ni Ralston.

Pero ang higit na nakapagpapaligaya kay Jover ay ang katotohanang ang kanyang pagiging Best Director sa Poland ay isang magandang pamasko para sa kanya. “Magandang X’mas present ito,” sabi ni Ralston.

Ang pelikula ay nanalo na rin ng Silver Remi sa Houston International Film Festival sa Amerika.

Gayundin, nagwagi ito ng Gold Award sa Wallachia International Film Festival sa Romania kung saan hinirang naming Best Actor si Allen Dizon at Best Actres si Lovi Poe. Special Award naman ang napanalunan ni Ralston sa pestibal na ito. 

Allen Dizon at Lovi Poe sa "Latay" (Photo Credit: Dennis Evangelista's Facebook pages)

 

Share this article