What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Pny: Bagong singing group na K-POP ang dating is promoting their song "Mr. Kupido"

The PNY girls singing group members

Ang discoverer lang naman po nila ay hindi basta-basta. Walang iba kundi ang batikan at tinitingalang composer na si Vehnee Saturno! Samantalang ang singing coach naman nila ay ang magaling na si Ms. Ladine Roxas. Kaya perfect! Hayan at isinilang na ang "PnY (Pretty and Young)" female singing group na K-Pop na K-Pop ang dating, pati na sa mga kasuotan nila, sayaw, at kanta.

Allyson Nicole

Incidentally, a few weeks pa lang nai-release sa Spotify ang first single nilang Mr. Kupido at agad na umani ito ng mga papuri at nag-viral views agad sa Spotify. Nasa Youtube.Com na rin ang kanta and very soon also, ire-release na rin ang MTV nila para sa Mr. Kupido song nila na isang remake o revival (unang sumikat ang awiting ito nu'ng dekada '80 pa) pero tila ata mas maganda pa ang version nila ngayon.

Allyson Nicole

Isa sa mga miyembro ng PnY ay ang dalagitang anak ng macho actor na si Allyson Seven (na naging alaga ng yumaong si direk Maryo J. delos Reyes) at siya ay walang iba kundi si Allyson Nicole Tirador Gonzales. Batang-bata at fresh na fresh pa si Nicole, and nu'ng narinig namin ang boses niya bilang pang-apat na miyembro ng PnY group na kumanta sa umpisa ng song na Mr. Kupido ay talaga namang de-kalidad ang boses nitong dalagitang anak na ito ni Mr. Allyson (yes po, magka-namesake ang mag-amang Allyson Seven at Allyson Nicole).

 

Busy na ngayon ang grupong PnY sa rehearsals nila and shoots in line with the promotions of their song Mr. Kupido. Malamang na mag-appear din sila soon sa TV shows and radio programs to promote their new single.

Allyson Nicole with her parents, Dad Allyson Seven and Mom Josephine

"I am so proud of my daughter," tanging nasabi na lamang ni Allyson Seven ukol sa kanyang dalagitang anak na miyembro sa PnY. "At a very young age, may na-achieve na siya sa buhay niya. Nagmana sa amin ng mommy niya, mahilig ding mag-perform. Ewan ko lang kung papasukin din ni Nicole balang araw ang pag-aartista o pag-arte sa pelikula. Nasa  kanya na iyon. Basta kaming mga magulang niya, nasa likod lang niya para suportahan siya."

 

Good luck to PnY and Nicole!!! Mabuhay!!!

Share this article