What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Ow Ow Ow walastik

Mamulot ng plastik
It is so... fantastic
Huwag ng magalit
Magpapili pilipit
Hawakan Mo 

Ng ubod igpit
Pag hihip ng hangin
Ng di tumalsik.. 


Ow Ow Ow walastik! 


Pulutin ang plastik
Huwag ng umimik!!! 

Alisin ang kamay
Sa pag halukipkip
Iwasan magalit
Hwag sobrang kulit
Di ba't.. Ika'y nasasabik 

Sa pananahimik

Ow Ow Ow walastik! 


Ipunin Mo muna
Kalat na basura
Kung pababayaan 

Ito'y dadami pa!!! 

Huwag kang mandiri
At magpa sosyal
Marami tao
Burara at pusakal

Ow Ow Ow walastik! 


Kulang sa kusa
Walang pakialam 

Basurang nag lipana
Halos matapakan
Dahil ang kalinisan 

Wala sa listahan
O Kaya'y tumanda
Iresponsable't tamad. 


Ow Ow Ow walastik!!! 


Gusto kong mag magic
Inang Kalikasan 

Sa umagang tahimik 

Pag sikat ng araw
Malinis ang paligid
Hangin ay amihan
Sarap ng pakiramdam 

Sigurado ang kalusugan 


Ow Ow ow Walastik 


Kantalikha /tula Para sa Kalikasan 
Dorie Reyes Polo 

Himig na kumukulele sa aking pandinig
Modernong estilo nagpaparinig. Nais
Kong ang Tula ay bigyan ng Himig! Sa
Dulo ng isipan may notang kumakaway, 

Taglay ang alingawngaw at mahinang sigaw, dahilan sa malinis at tunay na 
Hangarin.. Ating alagaan itong daigdig. Habilin ni BATHALA ang Inang Kalikasan 

Dapat mahalin, pahalagahan st igalang
Mabuhay po tayong lahat! 

Kayo ang aking inspirasyon

Share this article