What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Noranians, tumaas ang kamalayan sa pagkatalo ng kanilang idolo sa 2020 Metro Manila Film Festival

 

Hindi maitago ng mga Noranians ang kanilang pagkadismaya sa pagkatalo ng kanilang idolong si Nora Aunor sa pagka-Best Actress sa ika-46 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” na idinirek ni Joel Lamangan para sa Heaven’s Bests Productions ni Harlene Bautista.

Ilang sandali bago iproklama ang nagwaging Pinakamahusay na Aktres na pinanalunan ni Charlie Dizon para sa obrang “Fan Girl” na nilikha ni Antoinette Jadaone para sa Epicmedia, Globe Studios, Blacksheep Productions and Project 8, dumagsa ang mga papuri at pagsusulong sa comments space ng live MMFF Facebook page kay Nora bilang Best Actress bagamat may mga nagsasabi ring si Dizon, si Ritz Azul at iba pa ang magwawagi.

Umasa talaga ang mga maka-Nora sa pagwawagi ng Superstar ng natatanging parangal.

Pero nang ideklara nang si Charlie ang nanalo, nabawasan na ang mga manonood ng palabas na hinihinalang mga Noranians ang higit na bumubuo ng mga ito.

“Luto,” wika ni Sset Ocampo, isang masugid na tagahanga ni La Aunor.

Samantala, ang peryodistang pampelikulang si Ismaelli Fava—kilala rin sa tawag na Ismaelli Favatini o Favatini San—mananatiling Noranian. Sa kanyang komento sa comments space ng MMFF Facebook Live page, sinabi niyang “mas deserving si Nora” na ang ibig niyang sabihin ay sa iba pang nominado at sa nanalo sa katergorya.

Heto ang iba pang impresyon ni Ismaelli sa katatapos na virtual na gabi ng parangal: “Kailang kumita ang movie niya para maraming producer ang kukuha ng serbisyo niya…Dapat ipakita ng Noranians ang kanilang suporta…

“Ayaw ng mga hurado ng makabuluhang pelikula—gusto nilang phostetic (prosthetics) penis ni Paulo Avelino.

“MMFA/MMFF should elevate Nora Aunor as MMFF Hall of Famer winning seven (or eight) best actress awards and best performer).”

Ang sabi ni Maverick Corrales: “Kaloka yung mga Hurado HM kay Ganda ng ISA PANG BAHAGHARI ni Nora Aunor…Nood po tayo…”

Kahit si Joseph “Teph” Arellano ng Lopez, Quezon, nadismaya rin sa pagkatalo ni Guy sa labanan sa 46th MMFF awards night. “Hay naku,” napapatalak o napapalatak na ekspresyon na ibinitin ni Joseph, isang beauty consultant. “Alam mo naman ako Noranians,” pagdidiin niya.

Samantala, may isang matalino at obhektibong pananaw ang isang Deo Antazo, isang guro at maalab na tagasubaybay ni La Aunor. Heto ang rebyu ni Deo sa “Isa Pang Bahaghari” at ang kaukulang kaligiran ng pelikula. Wala kaming binago sa kanyang mga pangungusap:

To be true cinema analysis is not just the work of critics, reviewers and academics. Not only are they entitled to make a movie standard or classification; for awards or mass. The movie is for everyone. We are invited to a more attentive movie watching dialogue. Isn't RomCom popular because of the masses that are advocating here?

“I'm watching ‘Another Rainbow’ melodrama genre. The traditional ingredients of this kind of movie are still in it. About family and love. Because it's popular in Filipino Cinema, it's also one of the most well-known genre ‘repeatedly’ didn't serve new dishes ′′ this is how common the shouts of those who say they are critical, because they have a deep knowledge when it comes to reading a movie. Wrong!

“They themselves are the reason why melodrama became the standard of being a good actor. Many of their praise and awards are from such films. What is their butts blowing now? Joel Lamangan is a Filipino director so Filipino is also a Filipino who has the sensibility of the film. Melodrama about family and love intertwined by homosexual love. LGBT is still breaking issues. For me.

“The theme of the film is not scratch because the director still filed a social issue. This issue is still timely. That's enough to watch the movie. Lumen's forgiveness at the end has awakened us to the power of cinema. I hope reality is also like that. This is the movie's highlight-even though the ending is chest paining, more importantly we were captured and brought to the cinema that will touch our hearts. We're in the Age of a pandemic and the theme of the movie: love and forgiveness is what we all need more today!”

Samantala rin, ang isa pang tagatangkilik ni Guy, si marie Cusi, may intelihenteng kampanya para sa kanyang hinahangaang aktres noong ika-30 ng Disyembre, 2020: “Halina at makiisa ‘Isa Pang Bahaghari’ Araw ng Pambansang Bayani sabay-sabay na pagbili ng tiket para sa patuloy na suporta kay Ate Guy.”

Heto pa ang isang malinaw na perspektiba sa pagtanaw sa pelikula ng Superstar at ang kanyang pagkatalo kay Charlie mula sa isang mulat na tagahanga. Wala ring binago sa mga kataga mula sa social media:

Why are some fans hating on Charlie Dizon? Nung kabataan ba ni Ate Guy at humahakot sya ng awards, pinagmaramutan ba sya nila Charito Solis at Lolita Rodriguez?

“Have you even seen ‘Fan Girl’? I saw it along with ‘Isa Pang Bahaghari.’ Charlie deserves it. Pero nakabawas ba yun sa paghanga ko sa Superstar? Hindi. Do I still think Nora is the greatest actress Phil cinema has ever produced?

“Absolutely, yes. Alisin ang hatred at inggit. You can’t win all. I’m happy Nora continues to be nominated and recognized. That signifies consistency and excellence. And I want Nora to also work with younger actors, younger filmmakers.

 

“To continue to explore, and dare and challenge. Yung sumusugal. Yan ang tatak Nora Aunor. Kaya may ‘Himala,’ may ‘Bona,’ may ‘Tatlong Taong Walang Dios,’ may ‘Bulaklak sa City Jail’ at marami pang iba. Kasi Nora dared.

Sya na nga nag produce sa iba e. Kasi she’s not afraid to try new things. To work with talented but still unknown directors and actors. She challenged the norms. She was not contented with just doing formula films with commercial appeal.

 

“Kahit mag flop pa yan. Kasi she believes in her craft. In her art. She’s been trying hard all these years. Tulungan natin sya by supporting her. Not by condemning and hating on others. Bumili kayo ng ticket ng ‘Isa Pang Bahaghari’ at nang mga susunod nyang pelikula.

 

“Dun natin sya maiaangat. Hindi sa pagaalipusta sa iba.” #CttoRepost

Share this article