What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Nora Aunor, may bagong movie offer mula kay Joed Serrano

Tila nga yata panahon ulit ito ng ating nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor. Hindi pa man naipapalabas ang kanyang bagong movie na isa sa film entries sa darating na Metero Manila Film Festival (on December 25), ang pelikulang Isa Pang Bahaghari, hayan, may bago namang movie offer si Nora na mula sa produksiyon ni Joed Serrano (na siyang producer din ng Anak ng Macho Dancer na katatapos pa lang mai-shoot).

 

"Si Adolf Alix, Jr. ang napipisil nilang direktor sa movie offer na iyon kay Ate Guy," sabi pa sa amin ng isang very reliable source. "At ang titulo ng pelikula ay KONTRABIDA.

 

Sa pagkaalam ko, challenging daw talaga ang magiging papel dito ni Ate Guy, parang bida-kontrabida yata. Kasi, siya yata ang title-roler sa KONTRABIDA. At pinag-iisipan na ngayon ni Ate Guy ang bagong movie offer na ito.

 

 

"Matagal na rin naman kasing magkaibigan sina Ate Guy at ang prodyuser na si Joed Serrano," dugtong pa ng aming source. "Eh knowing Ate Guy, hindi naman siya corporate-bred na tao. Mas bina-value niya ang friendship, rather than business or any corporate ek-ek. Mas mahalaga kay Ate Guy ang pakikisama at hindi siya tumitingin sa ningning ng salapi."

 

At base diyan sa mga nasabi ng isang reliable source, malaki nga ang posibilidad na tanggapin ni Nora ang movie offer na KONTRABIDA. May isa pang hinhintay na proyekto si Nora, ang Heneral Salud, at dito siya excited talaga na gawin. Kaya lamang, biglang tumahimik ang mga tao na nasa likod ng proyektong 'yun. Naku, ha. Sige lang at baka magsisi kayo sa bandang huli! Baka kapag tumabo sa takilya ang pelikulang Isa Pang Bahaghari, bigla ninyong habul-habulin si Nora, kayo rin!

 

Samantala, may lawmakers sa bansa ang naglalakad na ngayon para gawing National Artist si Nora. This is long overdue na talaga. Kada National Artist season, laging nominado si Nora. Pero hindi siya pumapasok for the last previous years. Sana this time, mahirang na talagang NATIONAL ARTIST for Film si Nora Aunor! At iyan ang pinaglalaban ngayon ng NORANIANS!

 

Hindi ba, Ms. Delia Landagan, korek na korek?

Share this article