What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Mundo ay Guguho kung walang Pinoy

Saan man sulok ng Mundo
Iyo itong mapapansin
Marami tayong kalahi
Mula Japan hanggang Berlin
Sa Middle East at sa Asia
Europa man at USA
Sa Australia at America
 
Sa Canada,
 at Afrika 

Masisipag, matitikas
 
Nangag Aral
at may bait
Bukas puso't pakumbaba
Matitiyaga't
  nakikinig 
Masunurin mapagmatyag
Pakisama ay magaling
 
Kahit ano ang trabaho
 
Basta't malinis tatanggapin
 

Kahit Pinoy ay nag tapos
 
Sa sarili nating bayan
Ang Diploma'y nakasabit
Sa Dingding bilang katibayan
Nag pakagastos at nagtyaga
Sa pagsusunog ng kilay
 
Upang maging propesyonal
Nang ang
  trabaho'y magaan. 

Subalit ang kapalaran
 
Sadyang tukso, iba't iba
Karamihan ay nag aabroad
Para lumaki, kanilang kita
Kahit
alam na illegal
Lumusot Kung makakaya
Tago ng Tago sa Ibang bansa
Tiyagang buhay ng kumita
 

Mayroon din sinuswerte
 
Ayos na kontrata'y nakukuha
Sa wastong pamamaraan
Ang trabaho ay marangal
Nagagamit ang propesyon
Ang sahod ay mataas pa
Swerte ng Pamilyang naiwan
Pensyonado ang kapara

Ngunit Marami din Pinoy
 
Nasusubong magtrabaho
Sa mapang alipin lugar
 
Ubod higpit at abuso
Mapagsamantala at palalo
Kawawa ang kalahi ko
Tinitiis ang hagupit
 
Ng walanghiyang amo!
 

Pilipino'y marurunong
Makisama at umamo
Mahilig rin dagdag- aral
 
Upang buhay umasenso
Subukan Mo ang talino
 
Kahit saan aprobado
Dumarating ang panahon
Isang Pinoy namumuno!
 

Pagtigil sa isang bansa
Minsan mayroon kahirapan
Mahigpitang patakaran
Kapag Ikaw ay illegal
Puro drama ang inaabot
 
Kahit isang propesyonal
 
Pumapasok ng Katulong
 
Para sumweldo buwan buwan

Pag papakasal kahit di plano
Karaniwan nagaganap
Humahanap ng kapareha
Na sa kanya'y magliligtas
Kahit halos di na bagay
Tinatapangan ang sikmura
Mahalaga'y magkapapel
Makapamuhay ng malaya.
 

Guguho yata ang Mundo
Kung Pilipino'y mawawala?
 
Doktor, Narses, Komadrona
Med Tech, Caregiver At X-ray Tech
Mga Guro at Businessman
 
Piloto at Stewardess,
 
DH, Driver at Kasambahay
Lahat ng klaseng engineers.
 

Boong Mundo ay sanay na
 
Pilipino'y nasa paligid,
 
Nagtatrabaho ng maayos
 
Tapat na Katiwala at malinis
Kung Pilipino' y mawawala
Sa trabaho'y maalis
 
Sino Kaya ang papalit
Magseserbisyong may bait!
 

Kaya Pinoy ipagmalaki
Ikaw at Ako'y
 Pilipino
Kawal tayong matatawag
At Bayani ng Boong Mundo
Dahil tayo'y responsable
Nagtitiis sa malayo
 
Kumakayod ng maayos
Pamilya
ay masustento

Mabuhay ka Pinoy! 
Kathang Tula 18 Enero 2019
 
Dryspolo
 

Kahangahanga ang Ugaling Pinoy! 
Sakrpisyo mapalayo sa mga mahal sa buhay Upang kumita ng salapi. Makatulong

Sa Pamilya, mabigyan ng magandang kinabukasan ang asawa at anak. 
Mapapag aral, mapagtapos ang anak. Pambihirang Katatagan, responsable at maasahan!
 
Taon ang binibilang bago makauwi at makapiling ang mga mahal sa buhay, isang buwan O ilang Linggo at paalis na naman!
 

Mabuhay ka Kalahi.. Saan ka man naroroon! Mabuhay ka at Pagpalain!

Share this article