What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Mrs. Universe 2019 Charo Laude, makikipag-duet kay Rannie Raymundo, ayon sa utol niyang si Lance Raymundo

Charo Laude

Kamakailan lang, naimbitahan ang actor-singer na si Lance Raymundo sa grand album launching ng 2019 Mrs. Universe na si Charo Laude. Ginanap 'yun sa isang sikat na mall sa may Mandaluyong at laking tuwa ni Lance. Talagang sinunod ng event organizers ng nasabing album launching ang  proper safety health protocols sa live event na iyon.

Rannie Raymundo

"The entertainment center of the mall was full-packed and it was a very successful launching," kuwento ni Lance. "Pero maski puno yung venue, talagang may social distancing na one meter apart ang mga nanonood. Lahat din ng mga tao ay naka-face shield at face masks. I was so impressed that our kababayans now are very disciplined, lalo na iyong mga nanonood sa event ni Miss Charo, because you see, it was my first live event after months of being lockdowned because of the pandemic.

Lance Raymundo and Rannie Raymundo

"It was my first live guest appearance, too," dagdag pa ni Lance. "Nag-promote ako doon ng kanta kong Silent Night, and Miss Charo was very accommodating to everyone. She's also very generous. We even had to sing together sa event na iyon and people were really so happy talaga."

 

At nu'ng mapanood ng big brother ni Lance na si Rannie Raymundo ang video ng album launching na iyon ni Ms. Charo Laude (2019 Mrs. Universe), sobrang na-impress si Rannie sa galing ng pagkanta ni Mrs. Universe.

 

Lance Raymundo

"Kaya naisipan ng bro ko na gumawa ng kanta na kung saan ay magdu-duet sila ni Ms. Charo," wika uli ni Lance. "Very soon, ire-record na nina Ms. Charo at ng bro Rannie ko ang duet song nila together."

 

Sobrang ganda daw nung kanta na pinag-duetan nina Rannie Raymundo at Charo Laude. Kaya marami na ang nae-excite na mai-record na nila together ang kanta. Sa totoo lang, isa nang ICON sa music industry ang big bro ni Lance na si Rannie Raymundo kaya napakasuwerte ni Charo Laude at siya ang napili nitong makipag-duet sa kanya. 

 

Congrats sa kanilang dalawa?

Share this article