What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Magagandang alaala sa hardin ni Armando Giron sa Bongabon

Kapag nasa loob ako ng isang pampasaherong bus papuntang probinsiya, lagi akong namamangha sa mga tanawing nakikita ko sa labas ng bintana ng bus. Para bagang gusto ko siyang mayakap sa malapitan, maamoy nang husto, at maramdaman ng higit pa.

Armando Giron being interviewed by a media colleague

Nagkaroon ng katuparan ang lahat ng iyon nang bisitahin ko nu'ng nagdaang taon ang Botanical Garden ni Sir Armando Giron, isang culture and arts advocate sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija.

 

Kapag naroon ka sa kanyang Botanical Garden, ang lapit-lapit mo sa nature. Mahahawakan mo ang mga rare species of plants and flowers, makapamimitas ka ng masarap na mga prutas at makakain ka ng sariwang mga gulay. Lahat ng iyon ay galing mismo sa malawak na Botanical Garden ni Mr. Giron.

Armando Giron

Pero higit sa lahat, ang makapiling mo lamang si Mr. Giron, na hinahangaan ng kanyang kapwa advocates for culture and arts na tulad nina Frank G. Rivera, Francis Musni, Sonny O. Valencia, Armando Pilapil Sta Ana, Carlito Pocholo Malillin at Renato Soriano Bisquera, wow, ibang klase na ang pakiramdam mo sa sarili mo. Kasi, hindi basta-bastang tao si Mr. Giron. Napakadami na niyang accomplishments sa mundo ng arts at iba pa. Truly, he is a valuable person and son of Bongabon, isang first-class municipality sa probinsiya ng Nueva Ecija.

GIRON BOTANICAL GARDEN LOGO

At ang makapiling din for lunch or meryenda ang iba pang mga distinguished VIP guests ni Mr. Giron doon sa “Giron Botanical Garden” niya, you will feel so elated also. Pawang mga taga-alta de sociedad lamang po kasi ang regular visitors doon ni Mr. Giron. Nu'ng magpunta kami doon last year, ang mga nakasalamuha namin ay beauty queens, politicians, historians, balikbayans, doctors, industrialists, to name a few. Ibang klase talaga.

 

Kaibigang matalik din ni Mr. Giron ang mayor doon na si Mayor Ricardo Padilla. Kaibigan din ni Sir Armando ang dakilang pintor na si Rafael "Popoy" Cusi. 

 

Iyan ang magagandang alaala ko sa ilang mga araw na pagbisita ko sa botanical garden ni Mr. Giron. Ang sining, kasaysayan at kultura ay mayayakap mo nang husto kapag naroon ka na.

Kaya naman, salamat, Mr. Giron, salamat.

The main attraction inside Giron Botanical Garden

Dahil sa muli, nakatanggap kami ng imbitasyon na magpunta sa kanyang botanical garden.... ang "SECRET GARDEN ng buhay ko…magpakailanman.”

Share this article