What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

LANCE RAYMUNDO, PATOK NA PATOK BILANG ISANG GURO AT SHORT STORY READER SA DEPED TV!

Magiging regular guest-host na ang actor-singer na si Lance Raymundo sa mga educational programs ng DepEd TV. Ito 'yung mga online classes na pinapanood ng mga estudyante ngayon sa iba't-ibang cable channels at sa IBC-13. At dahil maraming napabilib na mga estudyante't guro si Lance, hayan, mismong ang DepEd na ang kumuha kay Lance na maging regular na siyang guest host doon sa iba't-ibang learning modules ng DepEd. Nariyang mag-story reading si Lance sa mga bata at nariyan ding magturo siya ng Psychology sa mga kabataan.

 

 

"It's really a great experience!", nawika pa ni Lance. "Ang sarap pala ng feeling na makapagturo ka sa mga kabataan via online classes. You feel so responsible and dedicated for them. Plus I am receiving good feedbacks and praises for being a good teacher daw. Wow, okey, di ba? I am so glad that I was given this opportunity by DepEd."

 

Kaya naman magmula ngayon, nakalagay na sa schedule of activities ni Lance weekly ang pafgkakaroon niya ng taping schedules para sa DepEd TV. 

 

"I guess, they did not get me naman as a teacher, but they got me as a singer talaga", sabi pa ni Lance. "I mean, they really want a singer or a popular celebrity to do some story reading and give lessons to kids. Para mas ma-inspire daw ang mga bata. I just hope, I am not making a run out of it. I mean, hindi ko inaagawan ng trabaho ang mga guro. I am just a regular guest sa DepEd TV. I am doing this to inspire and motivate the students."

 

 

Bilang isang singer nam,an, magkakaroon ng third round of promotions and campaign ang Christmas Song niyang Silent Night. Bale ito na ang ikatlong taon na iore-release muli ito ng Viva Records in line with the Yuletide Season. Kaya magkakaroon muli si Lance ng mga promo online campaign guestings para sa awiting Silenmt Night.

 

 

"Pero Viva records people promised me naman na next year daw, sa tong 2021, ay gagawa na sila ng bagong Chrsitmas song for me, last leg na ito ng promo nila for Silent Night", pagtatapos na wika ni Lance. "I am really excited na rin to promote a new Christmas song next year."

 

More power to you, Lance.

Share this article