Makulay na Mundo
Ating kinalakhan
Maasul na dagat
Tubig na Malinaw
Habang namamangka
Iyong mamamasdan
Isdang lumalangoy
Magandang halaman
Malusog na kabundukan
Sari~saring kulay
Iba't ibang Puno
Dahon kumakaway,
Prutas na masarap
Pitasin Mo't tikman
Buko ng Niyog
Pang tanggal ng uhaw
Sa gitna ng bukid
Hangin ay amihan
Palayan malawak
Pagkaing masarap
Gulayin ay sariwa
Bitaminang sagana
Pampalakas ng katawan
Biyayang Pinagpala
Ang daloy ng tubig
Alulod ay kawayan
Sa batis at ilog
Pansol tagaktakan
Kay sarap maligo
Sa Sawaling kawan
Lagusan ng Talon
Malalim na languyan
Nais kong makita
Malusog na daigdig
Sagana sa punongkahoy
Kanlong sa tag~init
Ugat na Matibay
Sa lupa'y kumapit
Tubig Hawak hawak
Hangin ay malinis
Pangarap sa Puso
Kung Mundo'y iiwan
Sa ating pagtanda
Tayo ay lilisan
Mundong anong lusog
Manahin ng angkan
Paraisong Paligid
Kanilang Tirahan
Kung tao'y pabaya
At walang malasakit
Patuloy ang basura
Pag Kalat ng plastik
Daigdig mamatay
Buhay magigipit
Hangin ay marumi
Mundo'y mukhang plastik
Kathang isip /Tula Para sa Kalikasan
22 Hulyo 2019
Dorie Reyes Polo
Pahalagahan natin ang Inang Kalikasan
Mahalin at Igalang.. Huwag nating pahintulutan. Mamatay ang Ating Inang Kalikasan! Tayo'y magtulong tulong Para sa kalinisan ng Ating Kapaligiran!
Pasalamat tayo sa pagkakataon. Ibinigay, Sa atin ng Panginoon Dios na maranasan natinn tumira sa Mundong ibabaw.
Sumama po tayo sa tree planting at sa paglilinis ng Kapaligiran.
Mabuhay po tayong lahat!
Kayo po ang aking inspirasyon!