What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Kiel Alo, aawitin ang theme song ng pelikulang "Anak ng Macho Dancer"

Kiel Alo with his father Jasper Boston

Natapos na ng promising male singer na si Kiel Alo ang recording sessions niya para sa theme song ng pelikulang “ANAK NG MACHO DANCER” kamakailan lamang. At present talaga, habang nire-record niya ang theme song na iyon, ang manager niyang si Jobert Sucaldito at ang mismong composer ng awitin na si Joven Tan ay laging naroron. Naroroon din ang kaibigan ng manager niya na si Maine Musni Nieto.

Kiel Alo with manager Jobert Sucaldito

"Sa totoo lang po, sobrang nagpapasalamat ako sa aking Nanay Jobert na siyang manager ko rin," wika pa ni Kiel. "Kasi, maski panahon pa rin ngayon ng Covid-19, eh todo-todo pa rin ang pagsuporta niya sa akin. Hindi pa rin niya pinababayaan ang takbo ng career ko, no matter what. At sobrang touched din ako, dahil hanggang sa recording sessions ko ay nakabantay sila sa akin. Lalo tuloy na-boost-up ang confidence ko na galingan ang pag-awit sa theme song."

 

Lahat halos ng singers na umawit ng theme song ng isang pelikula ay mas lalong sumikat pagkatapos nilang umawit sa theme song na iyon. Kaya hindi malayong mangyari rin kay Kiel na mas ibayong magniningning ang kanyang pagiging isang mang-aawit pagkatapos niyang awitin ang theme song ng pelikulang “ANAK NG MACHO DANCER”.

Keil Alo

Katulad din ng nangyari sa singer na si Michael Pangilinan (dati ring alaga ni Jobert Sucaldito) na mas lalong sumikat nu'ng awitin niya ang theme song ng pelikulang “PARE, MAHAL MO BA AKO?”, nakatitiyak ang karamihan na ganu'n din ang mangyayari ngayon kay Kiel. Tiyak na mas lalo siyang pag-aagawan sa mundo ng musika pagkatapos niyang awitin ang theme song na iyon.

 

"Alam kong may dala rin kasing suwerte sa mga singers ang composer ng kanta na si Joven Tan, eh," pagpapatuloy pa ni Kiel. "Kaya ninenerbyos talaga ako sa sobrang excitement ngayon. Makakasama rin kasi ako sa mga promotional campaign ng pelikula like TV and radio guestings."

 

 

Naitanong namin kay Kiel, hindi ba siya nag-audition bilang bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer?

 

"Hahaha! Nagbibiro po ba kayo?," mabilis na tugon ni Kiel. "Hindi ko po kasi forte ang maghubad. At isa pa, puro baby fats ang katawan ko, wala akong ipapakita. Ibigay na lang po natin iyon sa iba."

 

O, baka naman kasi dahil baka may nagbabawal sa kanya? Balita namin, may espesyal na babaeng nagngangalang Jernice ang sobra namang mahal na mahal ni Kiel ngayon?

 

"All I can say is, she's really my inspiration nowadays," tanging nasabi ni Kiel sa pagtatapos. "She's so supportive at hindi siya nagme-meddle sa career ko. I mean, hindi siya nakikialam. Naise-separate namin ang love and career. Pero nitong panahon ng Covid-19, habang kapwa wala pa kaming ginagawa, magkasama kaming nag-put-up ng online selling business. Kaya very healthy talaga ang relationship namin."

 

 

Napakasuwerte talaga ni Kiel to have all the best people in his life now. A good manager, a supportive friend, and a loving GF. At idagdag pa natin, naririyan din ang napakabait na Dad ni Kiel na si Mr. Jasper Boston. Lagi itong nakaalalay sa buhay at karera ni Kiel.

 

More power to you, Kiel Alo!

Share this article