What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Janine Gutierrez, lilipat na sa ABS-CBN?

 

Kilalang taga-GMA Network si Janine Gutierrez mula pa nang siya ay magsimula sa showbiz. Lagi siyang sentro ng mga gawaing pang-Channel 7 lalo na at ang kanyang mahal na si Rayver Cruz ay nasa Kapuso Network.

Gayunman, may hilatsa si Janine na pagkamalaya o pagkaindependiyente na walang sumasakop o kumukontrol na puwersa sa kanyang paggawa at malikhaing diwa. Ito ay lalo pang lumutang nang siya ay maging artekulante sa kanyang mga ideya tungkol sa mga usapin sa pangkalahatang buhay kabilang ang pulitika, ekonomiya, kultura, panlipunan at iba pang aspeto ng materyal na buhay na pang-araw-araw sa mundong ibabaw.

At nang makita siya kamakailan na kasama ang isang TV executive ng ABS-CBN, lumakas ang anasan na siya ay magiging miyembro na ng Kapamilya.

Nag-blowout kasi si Deo Endrinal ng isang hapunan para kay Gutierrez at kay Paulo Avelino.

Ang dinner treat ay kaugnay ng pagwawagi ni Paulo bilang Best Actor sa 2020 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Fan Girl” katambal ang bagitang si Charlie Dizon mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Inialay naman para kay Janine ang eksklusibong hapunan nang dahil sa pananalo nito ng napakaraming parangal bilang Pinakamahusay na Aktres sa iba’t ibang award-giving body tulad ng prestihiyosong Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at Famas Award para sa pelikulang “Babae at Baril” mula sa direksyon ni Rae Red.

Kung espesyal ang handog ni Deo kay Janine, ito kaya ay hudyat na nililigawan ng ABS-CBN ang aktres para mapasama sa mga alaga ng istasyon?

Kinumbinsi ba ni Endrinal si Gutierrez at ang kanyang talent manager na si Leo Dominguez na lumipat na ang aktres sa ABS-CBN?

Si Avelino naman ay wala nang problema dahil ito ay nakatali nga sa ABS-CBN at sa mga kapatid at kaagapay nitong mga produksyon tulad ng Black Sheep Productions kahit personal naman siyang hawak ni Dominguez.

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamar su Leo kay Deo. “Thank you Sir Deo Endrinal for the congratulatory dinner for Paulo Avelino and Janine Gutierrez,” pahayag ni Dominguez.

      

Abangan.   

 

Photo Caption:

 

1. Leo Domingiez (dulong kaliwa) at clockwise Janine Gutierrez, dalawang kaibigan, Deo Endrinal at Paulo Avelino (Photo Credit: Leo Dominguez's Facebook pages)     

Share this article