What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Janet Talavera Depano, papasok na rin sa larangan ng pag-arte!

Yeah, you read the title right! Ang butihin naming FB friend and kasa-kasama sa mga lunch gimmicks na walang iba kundi ang jetsetter na si Ms. Janet Talavera Depano ay malaki ang posibilidad na pasukin na rin ang larangan ng pag-arte. Paano naman, panay rin ang pangungumbinsi sa kanya ng kanyang blogger-friend noon pa man na it's high time for her to join the magulong world of showbusiness

Over an unexpected lunch treat sa KUYA J restaurant (na pag-aari ng aktor na si Jericho Rosales), nai-discuss ng isang blogger kay Ms. Janet ang isang story material na plano niyang isulat at idirek na tailor-made ang character para kay Ms. Janet nga. Isang napaka-intense na story material na ukol sa Covid-19 pandemic. At ito ay isang short film lamang na plano ring isali ng blogger na iyon sa Cinemalaya 2021 na pang-exhibition sa short films. Hindi man sumagot agad ng OO si Ms. Janet, nakatitiyak naman ang blogger na once na mabasa ni Ms. Janet ang sequence breakdown at synopsis nu'ng short film, hindi ito makatatanggi.

Ms. Janet Talavera Depano with her young and handsome nephew.

Hindi na muna namin iri-reveal ang character na gagampanan doon ni Ms. Janet at baka makopya pa ng iba!

 

"I have to read the sequence breakdown first before I say yes," tanging nasabi ni Ms. Janet na habang tinititigan mo ay lalong gumaganda, may kakaibang appeal at glow ang mukha niya na pang-artistahin talaga. "Pag-iisipan ko munang maigi. Now that I am decided to finally settle down na talaga dito sa bansang sinilangan ko, I am thinking of options, at isa na nga 'yang offer mo na mag-artista na rin ako."

Ms. Janet Talavera Depano with blogger Robert Silveri

Kagagaling lang ni Ms. Janet sa iba't ibang parte ng Amerika tulad ng Idaho, Las Vegas, Washington, at iba pa, wherein she had a grand tour and wonderful journey. Kauuwi lang niya sa Pilipinas a month ago at the height of the pandemic. Yes, inabutan din ng pandemic sa Washington, U.S.A. si Ms. Janet. Naitanong namin sa kanya kung bakit sa mga FB posts niya, lagi siyang nag-iisa sa mga road trips na iyon?" Natawa si Ms. Janet. “Ha-Ha, hindi ko lang pinapakita ang mukha ng kasama ko sa mga selfies na iyon, He is a very private person kasi. And yes, he is an American. This time, I fell in love with a guy na older sa akin. I felt more secured and happy, unlike before na mga bagets ang love ko, pero puro pala mga babaero. This guy, he is so loyal and faithful to me."

Ms. Janet Talavera Depano with blogger Robert Silveri

Do we smell a sweet taste of forever this time around?

 

"I must admit, yes I am in love,, huling sagot ni Ms. Janet. "And I do believe in forever."

 

Just stay in love, Ms. Janet Talavera Depano!

Share this article