What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Filipino short film, wagi sa 2020 Interfilm Berlin sa Germany

Kahit pandemya sa buong mundo, naghahakot ang mga Pinoy filmmaker ng parangal. Hindi lang tropeyo ang gantimpala kundi malaking halaga rin para sa kahusayan ng manlilikha.

Ginawaran ng Pinakamahusay na Pelikula sa 36th International Short Film Festival sa Berlin sa Germany ang maikling pelikulang “Tarang” mula sa dirksyon ni Arvin Belarmino.

Sa animnapu’t siyam (69) na itinanghal sa online at nagtunggali sa parangal mula sa 6,000 submissions mula sa iba’t ibang panig ng mundo, nakamit ng Filipino film ang mailap na panalo.

Bukod sa karampatang sertipiko at tropeyo, nakamtan din ng pelikula ang haling 6,000 euro.

Ayon sa jury na si Isabella Parkinson, isang aktres mula Germany at Brazil, lumutang ang pelikula nang dahil sa pagpapamalas nito ng katotohanan sa marahas na mundo ng mga kapus-palad sa lipunan ng Pilipinas sa lahat ng aspeto ng produksyon. Tungkol ang obra maestra sa buhay ng isang ama na tricycle driver at isang inang puta na susubukin ng kapalaran ang kanilang katatagan.

“The most striking quality of this film is its candid, blunt and sincere storytelling in which all film departments are equally important. From the first scene on, it captures the audience inviting us into the character’s realities instead of judging them. You seem to forget you are watching a fiction film and think you are watching a documentary—the reality of the film makes you feel like a fly on the wall, but there is no wall to hide behind (Ang nakakaakit na katangian ng pelikulang ito ay ang walang pretensyon, diretsahan at matapat na pagkukuwento na sumaklaw sa lahat ng sangay ng pelikula na pantay-pantay ang kahalagahan. Mula sa unang eksena, nagapi ang manonood upang linangin ang kaibuturan ng kaluluwa ng mga tauhan hindi upang sila ay husgahan. Makakalimutan mong nanonood ka ng isang kathang-isip na naratibo at iisipin mong nanonood ka ng isang dokyumentaryo—ang tunay na diwa ng pelikula ay maihahambing sa langaw sa dingding bagamat wala namang pader na magkukubli nito. Salin sa Filipino ng may-akda),” pahayag ni Parkinson.      

    

Share this article