What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Fanny “TF” Serrano, miss na miss na ang kanyang mga kliyente sa salon!

 

Matatapos na raw ang MECQ at babalik na muli tayo sa GCQ na medyo mas maluwag. Wala nang choice kasi ang gobyerno natin dahil baka mas dumami pa ang mga Pilipinong mamamatay dahil sa gutom at hindi dahil sa Covid-19 pandemic na 'yan. Kailangan na uli nating humarap sa "battlelines" para sa ating ekonomiya dahil ubos 

na rin ang budget ng gobyerno para sa ayuda.

 

 

Kaya naman si Fanny Serrano, also known as Tita Fanny to close friends or “TF” sa showbiz, ay mas pinagbubuti at mas pinaghahanda na ang kanyang beauty salon sa oras na payagan na muli ng gobyerno natin na buksan na ang mga beauty salon na basic necessity naman dahil kung hindi tayo magpapagupit ng buhok o magpapaganda, baka magmukha na tayong mga Java Man noong panahon ng Dinosaur Age. Ha! Ha! Ha! Ha!

 

Kamakailan lang nga, nag-post si TF ng mga larawang kuha sa loob ng kanyang beauty salon habang ginugupitan niya ang mga suki o regular clients niya na sobrang na-miss na niya. Kasi, si TF, may personal touch sa bawat kliyente niya. He doesn't treat them as merely customers lang. He bonds with them, makes them feel relaxed and takes off their negative and low feelings kapag nagse-share na siya sa mga ito ng mga Words of Wisdom and Biblical verses. Isang trait and value iyan ng mga true-blooded Christians na tulad ni TF.

 

We predict, mas dadami pa at mas dudumugin pa ang beauty salon ni TF sa Tomas Morato Ave. sa oras na matapos na nang tuluyan ang pandemya. Going to a beauty salon kasi is very therapeutic and recharging to both your body and soul. Kapag nakita mong gumanda ka at mas nagmukhang bata, nali-lift -up ang spirits mo. At lalo na ngayong marami sa mga Pinoy ang naapektuhan morally, spiritually and mentally ng Covid-19 virus, kailangan ng mga ito ng pampering, bonding at pangangalaga na magmumula sa isang beauty expert na tulad ni Fanny Serrano.

 

 

Yes, we did miss the "FANNY SERRANO TOUCH" face-to-face. But in the meantime, sobrang nabubusog rin kami sa mga FB Posts ni TF na mostly about Jesus Christ, Christianity and spirituality. Gumagaan kasi ang pakiramdam namin sa tuwing mababasa at makikita namin ang mga meaningful FB posts na iyon ni TF.

 

"It's my own way of sharing myself to everyone, that, in my own little way, via my viral posts ay may maa-uplift akong kababayan kong Pinoy sa mga panahong ito," tanging nasabi na lamang ni TF sa isang blogger-friend niya.

 

Keep it up, TF! We love you!

Share this article