What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

ECO Bag, Paper Bag

Alam Mo ba, Alam Mo ba
Ngayon ay uso na! 

Kung mamimili ka
May ECO Bag na daladala
Nakalagay sa handbag
O nakasuksok sa Bulsa

Pagbabayad sa Cashier
ECO Bag ay handa na

Mga damit na binili
Titiklupin isaisa
Ilalagay sa Paper Bag
Ng maiwasan ang basura
Tindera ay nakangiti

Tila ba namamangha
Bakit itong mamimili
Supot na papel ang dala

Pag dating sa Palengke 

Basket ang bitbit bitbit
Gulay at prutas na binili 

Sibuyas, Luya at Kamatis 

Maayos na Ihahanay 

Ihehelera sa Basket  

Binalinsusong Dahon saging 

Laman ay sumang malagkit

Di ba't tayo ay sagana 

Sa lalagyan O sisidlan 

Bag  O Basket yaring Uway

Kay gagandang pagmasdan
Bakol, Bilaong kawayan
Bayong, Bakid at Tayukan
Banig na tabas kahon
Matitibay na lalagyan 


Papel, komiks at dyaryo
Mahuhusay na pambalot 

Dahon ng gabi at saging
Nilalang palaspas ng niyog
Talupak ng Punong Nganga
Malalapad na dahon
Kawayang sinawali
Anahaw na hinubog. 


Hayan! ngayon, Kita natin
Marami tayong alternatibo
Balik tayo sa panahon
Masisipag ang tao
Mapagmahal sa Kalikasan 

Iginagalang ang Mundo
Kaya plastik na basura ay itakwil
Plastik na Supot Tanggihan Mo! 


Katha/Tula Para sa Kalikasan 
19 Hulyo 2019 

Dorie Reyes Polo 


Pagmamahal sa Inang Kalikasan 
Maraming Munisipyo ang nag deklarang sa kanilang Bayan ay mahigpit na ipinagbabawal ang Suputan Plastik Upang maiwasan ang pagkalat ng Plastik na basura sa lansangan, sa kapaligiran! 

Napakagandang paraan ng pagdisiplina 

Sa taong Bayan.

Nawa'y maipatupad ito sa boong Bansang Pilipinas. 
Nakakagimbal na sa kaganiran ng ilang nilalang ay nakukuha pa nilang umimporta ng basura galing sa ibang bansa. 

Ganoon rin ang patuloy na pagtatambak ng basura sa lugar na halos nasa kalagitnaan ng Siudad! Ss mga lugar tulad ng Payatas na mataas pa ang tambak ng Basura kesa nakatayong gusali at bahayan sa kalapitan. 


Ngayon simulan natin ang pag gamit ng ECO Bag, Paper Bag, Basket at Bayong. 
Huwag nating ikahiya ang pagmamaladakit at Pagmamahal sa Inang Kalikasan. 

Ipakita natin na tayong lahat ay mabuting halimbawa. 

Salamat sa Iyong Kommentaryo 

Bb. Veronica Monique Sevilla 

Sana'y makatulong itong, aking Katha /Tula
Sa iniwan mong kataga... Instead of using 

Biogradable plastic, why not bring ECO Bag

Mabuhay tayong lahat! Salamat! 
Kayo, Tayo Sila, Kami, Ikaw at ako

Mahalin natin at igalang ang
Inang Kalikasan
Kayo ang aking inspirasyon

Share this article