What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Dulce, tumanggap ng parangal na Dangal ng Wika sa pagiging Bisaya

 

Hindi porke’t Bisaya ay hindi na mabibigyan ng karangalan para sa pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Dahil ang Bisaya bilang wika ay Filipino rin. Ang mga diyalekto o dialect sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay tinatawag na Filipino sa pangkalahatang klasipikasyon. Ito ay mandato ng pamahalaan nating mga Pinoy dahil ang wika ay diwa at artikulasyo ng ating mga adhika, landasin, problema, solusyon, nakaraan, kasalukuyan hinaharap at iba pang aspeto ng buhay—ekonomiya, pulitika, kultura, panlipunan, ideyolohiya, ispiritwal, metapisikal at marami pang ibang bumubuo ng tinatawag nating “buhay.” 

At ito ang isa sa mga batayan kung bakit pinagkalooban ng parangal na Dangal ng Wika ang mang-aawit at tinaguriang Asia’s Diva na si Dulce, Maria Terese Magdalena Abellare Llamedo sa tunay na buhay.

Kamakailan ay tumanggap si Dulce ng parangal mula sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWP) na pinagtatagapanguluhan ng iskolar, guro, mananaliksik, linguwista, manunulat at awtor na si Arthur Casaniva, ang itinalaga ng administrasyong Duterte sa kagawaran.

Sa pamamagitan ng mga awitin ni Dulce sa Bisaya at sa Tagalog, nabubuo ang pagtingin at paghubog ng bawat Pinoy sa kanyang identidad bilang tao, mamamayan, konsyumer, botante, anak, ama, ina, tiyo, tiya, lolo, lola at iba pang karakter o papel sa buhay.

Ipinagmamalaki nga si Dulce hindi lang ng kanyang mga kasamahan sa industriya ng musika at showbiz kundi ng mga kaanak, tagahanga at mga iba pang nilalang sa mundong ito.

Bawat anak ni Dulce kabilang sina David Ezra Cruz, Jemimah Cruzata at iba pa ay nagagalak sa karangalang natamo ng kanilang ina.        

Share this article