What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Director Rain Yamson’s "ANGKAS" to be shown and compete in next year’s CINEMALAYA 17

 

How we missed the supposed to be full length films na magku-compete sana sa Cinemalaya 16 na katatapos lang nitong mga unang linggo ng Agosto. Kaya hayan, may Cinemalaya hangover pa kami hanggang ngayon. At, hindi kami mapakali hangga't hindi pa namin nakakausap ang isa sa mga direktor ng full lengths doon na si handsome Rain Yamson, na isa naming matagal nang kaibigan at hinahangaan na cinematographer. Way back those days na close pa kami kay Shandii Bacolod, kung saan ay bagets na bagets pa noon si Rain at naging cinematographer ni Shandii sa pelikulang Ben & Sam.

 

 

How time flew. Later on ay napapanood na namin ang credits ng pangalang Rain Yamson sa mga TV teleserye sa nagsaradong Channel 2. At natiyak namin sa aming sarili, na basta magaling ka, hindi ka mawawalan ng offers at trabaho.

 

This time around, Rain is shifting gears. What an adoring move! Mula sa pagiging cinematographer o D.O.P. (Director of Photography), napili ang movie project ni Rain na entitled ANGKAS bilang isa sa mga competing films sa nagdaang Cinemalaya 16. 

Unfortunately lang nga, dahil sa Covid-19 pandemic, next year na maipapalabas ang pelikulang 'yun, kasama ang iba pang mga napili, at kasama rin naman ang mga bagong napili rin para sa Cinemalaya 17 next year.

 

 

Once and for all, naisipan naming kapanayamin si Rain. At malugod namang nagpaunlak ang mabait na film artist na ito. Heto sa ibaba ang aming Q & A kay Rain Yamson:

 

ROBERT: Ano ang naging feeling mo nu'ng hindi nakahabol ang full-length films sa nagdaang Cinemalaya 16 virtual festival? Palagay mo ba ay blessing in disguise 'yun?

 

RAIN: When CCP announced that all its events for the year will be cancelled, kinabahan na ako kasi I knew for sure, that Cinemalaya will be affected, too. So, when director Joey Reyes of the monitoring and screening committee ng Cinemalaya 16 called for a meeting, I really knew what's gonna' happen na. And later on, I also felt sad na when direk Joey mentioned na merge 'yung 2020 and 2021 because I still have to wait for another year and we will all be 20 finalists na by that time. But later on, I realized that it's better that way, because at least, we have better time to improve our scripts, finance our film (may cost implications kasi 'yung bagong guidelines) and etcetera. So yes, better din siya that way. Lalo na during these trying times wherein super uncertain pa ang lahat.

ROBERT: Can you tell me more about your film ANGKAS na isa sa mga competing films dapat sa Cinemalaya 16, at ngayon, sa Cinemalaya 17 na mapapanood? Natapos mo na ba ang pelikula? 

 

RAIN: ANGKAS is a story about a Habal-Habal driver from Mindanao, na aside from motorcycle taxi services, he picks up a cadaver from the mountains, at iaangkas niya iyon sa motorcycle niya at ide-deliver sa city proper. We were set to shoot for first week of April. Pero iyon nga, hindi na nga kami nakapag-shoot ng dahil sa pandemic.

 

ROBERT: As one of the most promising young film artists we have around now, ano ang naging epekto sa iyo ng Covid-19 pandemic? Mas hinamon ka ba nito? Mas naging matibay ka ba as a film artist?

 

RAIN: Anxiety, ang hirap. Being locked down on your own place for a long time, parang nawala 'yung inspiration at na-deplete ang creative juices ko. I am an extrovert person kasi, kaya it was really hard for me to adjust. As days, weeks, months had passed by, in a way, I was glad that I coped up with the situation. But I am still trying to battle the mental issues I am encountering by now.

 

ROBERT: Ano ang masasabi mo na 17 film entries na pawang full-lengths ang maglalaban-laban next year sa Cinemalaya 17? Parang rambulan na 'yan! Ha! Ha! Ha!

 

RAIN: At first, ang worry ko ay 'yung screening time. Kasi mababawasan siya. Same duration of the festival but all too suddenly ay more films to watch. But direk Joey mentioned to us before na there are 15 films for the Director's Category at baka madagdagan ang mga Cinema partners ng Cinemalaya. So in a way, natanggap ko na rin. Now, it's 17 films na sa full lengths in competition. The more, the merrier!

 

ROBERT: Mas madali ba para sa isang cinematographer/D.O.P. na tulad mo ang magdirek din ng isang pelikula? What motivated you to do a film bilang direktor naman this time?

 

RAIN: Mahirap siya. I tried it a lot of times already na sabay ang pagdidirek at pagkuha ng shots, and most of the times, when I am directing ay nawawala ang focus ko sa cinematography. Kaya I think, you need to get the people whom you trust talaga para masuportahan ka nila. Directing was a dream when I was younger. It's just that, when I discovered cinematography, nainlab ako. Pero 'yung dream ko to direct a film was still there. At heto, nabigyan ako ng chance ng Cinemalaya. May roots ako sa theater, kasi nagdidirek ako noon ng mga theater plays before I became a film artist. It's really my passion to direct.

 

ROBERT: After ANGKAS, magtutuloy-tuloy na ba ang pagiging isang direktor mo?

RAIN: Well, ito muna ang gusto kong sabihin. I love cinematography talaga 'coz it's like a playground for me. Comfort zone ko rin siya. But sometimes, you need to go beyond your comfort zone. Kaya kung may offers to come, why not. Actually, I am now directing Ring Light, isa siyang 8-part mini-series ng Miss Universe. So guys, please subscribe to it.

 

ROBERT: Last question: What can you say about the future of Philippine Cinema after this pandemic?

 

RAIN: That change is the only constant thing in this world. So, 'yung sistema sa entertainment industry natin, I guess, it will level up now and it's gonna be better. And I think we will continue doing quality and international film materials. Magagaling ang mga Pinoy.

 

ROBERT: Thank you so much for these answers.

 

RAIN; Thank you very much din, Sir Robert.

 

Share this article