What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Congressman Yul Servo, totoong matulungin

Mas lalong umigting ang pagiging matulungin ni Yul Servo sa kapwa niya magmula nu'ng maging Congressman siya. Kumpara sa iba diyang Congressman din, si Cong Yul ay tunay na hindi nawawalan ng mga proyekto, aktibidades at charitable projects para sa mahihirap, lalo na sa lugar ng Kamaynilaan kung saan ay konsehala naman sa isang distrito roon ang kapatid niyang si Apple Nieto.

 

Magmula pa nu'ng artista pa lamang si Yul, sadyang matulungin na ito. At isa sa mga paniniwala ni Yul ay ang kasabihang "Charity Begins At Home".

 

"Nagsisimula po ang lahat ng iyan sa loob ng tahanan mo,” wika pa minsan ni Yul. "Hindi ka magiging mabisang politiko kung hindi ka naging matulungin sa pamilya mo, mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan. Kung hindi ka isang mabuting anak, hindi ka sapat na maging isang leader ng bansa. Charity begins at home, eh. Kung natutulungan mo ang ibang tao, dapat mga sarili mong kadugo ay matulungan mo rin."

 

 

Lalong hinangaan ng marami si Cong Yul kamakailan lamang nu'ng tulungan niya ang isang pinsan na blogger at writer. May nakapagsabi kasi kay Cong Yul sa nangyari sa writer na pinsan niya nu'ng kasagsagan ng bagyong Ulysses. Makailang beses nakita ng isang kapwa pinsan nina Yul at nung writer ang paghihirap na dinanas ng manunulat na 'yun. Kaya mismong 'yung kapwa pinsan na rin nila ang nagbalita sa Congressman. Nu'ng malaman ni Congressman Yul ang sinapit ng pinsan niya ay agad-agad niyang tinulungan ito.

 

 

"Sabi ko sa pinsan kong writer na huwag siyang mag-alala at tutulungan ko siya," sambit ni Yul. "Napaiyak pa siya nung malaman niyang tutulong ako. Minsan ko lang naman natulungan ang pinsan ko na iyon, eh. At nararapat lamang dahil naging biktima siya ng isang kalamidad."

 

Kung lahat ba ng Congressman ay tulad ni Yul, lalong gaganda ang buhay at magkakaroon ng panibagong pag-asa ang bawat Pilipino sa bansang Pilipinas. Hindi malayong marating ni Yul ang mataas na posisyon balang-araw, hindi ba?

Share this article