What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Christmas songs nina Jose Mari Chan at Janah Zaplan, patok ngayong Pasko!

A Perfect Christmas at Sana Lagi Ay Pasko.

 

Iyan ang mga awiting muling mapapakinggan ng lahat ngayong Holiday Season. Ang Perfect Christmas ay klasikong awitin ni Jose Mari Chan, samantalang ang Sana Lagi Ay Pasko ay isang bagong awitin naman ni Janah Zaplan.

Jose Mari Chan

Tinitiyak namin, talagang naging viral ang mga awiting 'yan, starting by the month of September at hanggang ngayong Disyembre na panahon ng Kapaskuhan. Pareho kasi silang nakakapag-uplift ng mood at makakalimutan mo ang mga problema't paghihirap na sinasapit ng lahat ngayong may pandemya pa rin.

Janah Zaplan

Speaking of Janah Zaplan, talagang busy siya ngayon sa kanyang online schooling. Kuwento pa nga ng ama niyang si Dencie Zaplan, hindi mo raw ito maabala kapag nasa harap na ng computer. Talagang focused na focused sa online lessons niya and all. Kaya sina Daddyguard Dencie at ang misis niyang si Mrs. Zaplan, hindi muna nagpe-Facebook kapag online si Janah. Humihina kasi ang internet connection kapag maraming gumagamit sa bahay nila ng computer internet at maaapektuhan si Janah habang nag-aaral virtually ng school lessons niya.

Janah Zaplan

Ang nakaka-impress pa kay Janah, maski sobrang focused pa rin siya sa studies niya online, hindi naman niya napapabayaan pa rin ang kanyang showbiz commitments, like 'yung pakikipag-ZOOM sa mga media people and friends niya, sa fans, and all. At saka nag-guest din siya recently sa ilang online concerts tulad nung series of concerts before the Aliw Awards event this year.

Janah Zaplan

Nandiyan din ang product endorsements ni Janah, charitable works niya para sa mga taong apektado ng Covid-19, at ang activities and events niya for her supportive followers and fans.

 

Maski ba nagkaroon ng total lockdown sa may lugar nina Janah ng halos isang buwan at natapos lang nung buwan na ng Agosto, marami pa ring nagawa si Janah sa buhay niya. Isa siyang magandang halimbawa para sa mga kapwa niya kabataan.

 

Study hard, Janah!

Share this article