Plastik na nagkalat
Saan ba Nagmula?
Sa Kamay ng tao
Ubod Salaula
Bulag sa katotohanan
Pakundanga'y Salat
Hindi iniinda
Naglipanang Kalat!
Dapat ipagbawal
Pagtitinda ng plastik
Ating balikan
Dati rating gamit
Kung walang ng tinda
Ay walang mabibili
Di na Dagdagan pa
Kalat sa tabi tabi
Batas ay gawin na
Ito'y ipasunod
Parusa ang dapat
Sa Hindi sumunod
Multa ay malaki
Kailanga'y maglingkod
Isang Buwan, araw araw
Tagalinis, taga pulot
Tayong Earth Warriors
Dapat maging aktibo
Tutukan ang paligid
Magmalasakit ng husto
Turuan ang kapwa
Na maging alerto
Plastik ay tanggihan
Ito'y lason sa Mundo!
Kung tayo'y samasama
Ang pwersa ay malakas
Ating magagamot
Sakit na talamak!
Kung may disiplina
Iwas sa pahamak
Darating ang bukas
Buhay maaliwalas
Adhika /Tula Para sa Kalikasan
24 Hulyo 2019
Dorie Reyes Polo
Sigon sa kalagayan ngayon, hindi lamang ang ating Bansa ang dumaranas ng suliranin Pangkalikasan. Basurang plastik, na ang malaking parte ng karagatan ay nasasakupan na!!! Mga yaman dagat, hayop at isda ; wala ng galawan sa bunton ng basurang nakalutang. Nakakagalit at nakakalungkot, walang magawang Laban ang mga hayop tulad ng Pawikan O Pagong, natalian ng lubid na plastik, buslo na Hindi nararapat mapunta Sa tubig!
Sino ang salarin? Di ba't ang taong nagtapon O nag Iwan ng Basura?
Kung Walang mabibilhan ng plastik ay hindi na matutuksong bumili at gumamit ang mga Tao ng Produktong ganito.
Sadyang dapat I BAN ang pag gamit ng plastik!! No to Basurang Plastik!
Salamat po sa inyong lahat!
Salamat sa mga Earth Warriors!!
Mabuhay tayong lahat!
Kayo po ang aking inspirasyon