What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Alden Richards and Bea Alonzo, magsasama sa isang pelikula sa labas ng Star Cinema

 

Ipinahayag ng Creative Tech Productions na nakatakdang magsama sa isang pelikula ang dalawa sa pinakamaiinit na bituin sa pelikulang Pilipino na sina Alden Richards at Bea Alonzo.

 

Sinabi ng kumpanya na magtatambal sina Alden at Bea sa obra maestrang “A Moment Together” na halaw at may pareho ring pamagat sa isang malakas sa takilyang pelikula mula sa South Korea na nilikha at itinanghal noong 2004 na pinangunahan ng mga sikat na artistang sina Son Ye Jin at Jung Woo Sung.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, lalabas si Bea sa labas ng bakuran ng Star Cinema na naging tahanan niya sa maraming taon. Matatandaan na umalis na sa Star Magic ng ABS-CBN si Alonzo at lumipat na sa pangangalaga ng independiyenteng talent manager na si Shirley Kuan.

 

Ang “A Moment Together” ay pagsasaniban sa produksyon ng Viva Films at GMA Films, ang kumpanyang nangangalaga kay Alden.

 

Samantala, matatandaan na magkatambal sina Alden at Bea sa isang patalastas ngayong 2020 kung saan nasubok ang kanilang kemistri at naging sukatan ng paglikha ng produksyong pelikula ng dalawang malalaking kumpanya.

Share this article